Think with Discernment
(Modified Sermonette adapted from C. R. Swindoll)
Mayroong isang kawikaan mula sa Persia na ang tunog ay parang mas pang-tongue twister kaysa sa isang sound advice. Pakinggan natin ito:
“Siya na di nakaka-alam, at hindi niya alam na di pala niya alam ay isang mangmang; huwag mo siyang pakinggan. Siya na di nakaka-alam, at alam niya na wala siyang kaalaman sa gayong bagay, siya’y isang bata; turuan mo siya nang matuto. Datapwat siya na may kaalaman, at hindi niya namamalayan na mayroon siyang kaalaman doon, ang taong ito ay tulog; gisingin mo siya nang pakinabangan. Higit sa lahat, siya na may wastong kaalaman, at alam niyang gamitin ang kanyang nalalaman—ang taong yan ay pantas o matalino: sundan mo siya at tularan.”
Natutunan ko yan mula sa aklat na “Come Before Winter and Share My Hope,” na isinulat ng isang matalinong Tagapagsalita na ang pangalan ay Charles R. Swindoll. Itinuro ko ito sa CGsquared (isang organisasyon ng mga Evangelical Students sa PSU Lingayen, ang “Coalition of Gospel-centered Cell Groups” or CG 2). Ibinahagi ko sa kanila ang bagay na ito dahil sa ilang mga “obvious” reasons:
(1) Una, Lahat ng mga Cristiano [pagka-minsan] ay umaasta alinman sa apat na kategorya: may mga pagkakataong tayo ay umaasta bilang mga mangmang – nagtatanong nga mga “foolish questions”; minsan naman ay parang childish – immature behaviours at selfishness; o kaya’y mga spiritual stagnant at mga tamad, na para bang laging baby Christians na dapat ulit-ulitin ang itinuro, gayong matagal nang naturuan; madalas kase tayong nakakalimot. Pero ang pinakamagandang katangian sa lahat ay ang maka-langit na karunungan. Pakinggan ang sinasabi ng Biblia mula sa Sulat ni Apostle James (Apostol Santiago) tungkol sa karunungan:
Wisdom from Above (James chapter 3: verses 13 to 18)
13 Who is wise and understanding among you? By his good conduct let him show his works in the meekness of wisdom. 14 But if you have bitter jealousy and selfish ambition in your hearts, do not boast and be false to the truth. 15 This is not the wisdom that comes down from above, but is earthly, unspiritual, demonic. 16 For where jealousy and selfish ambition exist, there will be disorder and every vile practice. 17 But the wisdom from above is first pure, then peaceable, gentle, open to reason, full of mercy and good fruits, impartial and sincere. 18 And a harvest of righteousness is sown in peace by those who make peace.
-English Standard Version, Bible
No comments:
Post a Comment