Wednesday, September 29, 2010

Ayoko Nang Masayang ang Bawat Sandali

Ang Sermon na Ipangangaral Ko sa Linggo
Kung Nalalaman Ko na Papanaw Ako sa Lunes

Awit 90:12, Biblia
"Yamang itong buhay nami'y maikli lang na panahon,
Itanim sa isip namin upang kami ay dumunong."


Psalm 90:12, "So teach us to number our days, that we may apply our hearts unto wisdom."

Panimula.

[1.] Si Richard Baxter ay mayroong tunguhin o goal sa kanyang pangangaral. Ninais niyang mangaral na para bang hindi na siya makapangangaral pang muli at ninanais niyang mangaral na gaya ng isang taong malapit nang mamatay (physically) para sa mga makasanlibutan o mga taong nasa mundong namamatay (spiritually).

[2.] Gusto kong mangaral sa inyo ngayon na taglay ang urgency ng layunin ni Baxter sa kanyang pangangaral.

Ang sumulat ng ating teksto sa Awit 90:12 ay ang Psalmist na si David. The Psalmist calls us to number our days. Ang sabi niya, "So teach us to number our days, that we may apply our hearts unto wisdom." Sa madaling salita, pinapayuhan tayo ng sumulat na "bilangin ang ating mga araw." This is good advice for us all. Preachers die too and should be aware of life's brevity.

Ano ngayon ang sasabihin ko sa sermong ito kung sakaling ito na ang Huli Kong Mensahe...ano ang mahalaga?

Nais kong hatiin sa tatlong bahagi ang paksa ng aking mensahe, base sa tatlong pangunahing Audience sa kongregasyon:

A. The First Part of My Sermon Would Be to Those I Love;

B. The Second Part of My Sermon Would Be to Show Where I'll Live; and,

C. The Third Part of My Sermon Would Be an Appeal to the Lost.


Sermon Proper

A. Ang Unang Bahagi ng Aking Sermon ay Para sa Mga Mahal ko sa Buhay:
[1.] Lahat tayo ay may pananagutan o responsibilidad sa mga malalapit sa atin. Kaya, (1.1) Sisiguraduhin ko sa pamilya ko na lubos nilang naiintindihan na ako’y may pananampalataya kay Cristo, na Siyang nagbibigay sa akin ng walang hanggang buhay (eternal life). Maraming tao na naulila ng mahal nila sa buhay ang nagtataka kung makikita pa nila ang pumanaw nilang kamag-anak o kapamilya. Kaya, (1.2) Titiyakin ko sa kanila ang tungkol sa muling pagkabuhay at gayon din ang tungkol sa lugar na pupuntahan ko, at kung paano sila ligtas na makasusunod doon.
[2.] Sasabihin ko sa kanila yung tungkol sa panahon na nagtiwala ako kay Cristo at pinaniwalaan ko ang kanyang mga pangako at mga turo, gaya ng katuruan Niya tungkol sa Diyos, sa paglikha ng Diyos sa tao at sa buong sansinukob; tungkol sa langit, sa impiyerno, sa pagsisisi sa mga kasalanan, at sa Mabuting Balita ng Kaligtasan at bagong buhay na may tanda ng dalisay na pag-ibig. Sasabihin ko sa mga mahal ko sa buhay at sa malalapit kong kamag-anak at kaibigan ang oras na pinanaligan ko si Cristo bilang aking Tagapagligtas. Marahil, (2.1) Ilalarawan ko sa kanila ang mga alaala ng sandaling lumalapit ako kay Cristo na bagbag ang kalooban at buong pagpapakumbabang kinikilala ang aking pagkakasala laban sa kanya, at pagkatapos ay narinig ko ang mga salita ng kaaliwan: “Anak, ipanatag mo ang iyong kalooban; ipinatatawad na ang iyong mga kasalanan.” I would describe the times God spoke to my heart about His love and forgiveness.
Sunod, (2.2) I would give thanks for those who lived the Christian life before me. Pasasalamatan ko ang mga taong naunang naipamuhay ang Cristianong-buhay kaysa sa akin, at sila’y ginamit ng Diyos para agawin ako mula sa dilim patungo sa liwanag, at baguhing ang aking puso para magawa Siyang mahalin nang totohanan, at sa biyaya ng Diyos ay matutunan kong ibigin ang aking kapwa gaya ng aking sarili. Pasasalamatan kong lubos ang mga tagapagturo na gumabay sa akin sa paglalakbay-espiritwal at sa mga manunulat na nagbigay-daan tungo sa’king paglago. Atsaka, (2.3) Ilalarawan ko ang daloy ng church service noong araw na binuksan ng Panginoon ang aking puso para makayanan kong tanggapin si Hesus sa aking buhay bilang Tagapagligtas ko, at paniwalaan ang mga Salita Niya’t sundin ito dahil Siya ang Master ko. Sa ganitong paraan marahil, Una, [2.3.1] – I would recall the words of the Pastor at the invitation (aalalahanin ko ang mga salita ng Pastor noong inaanyayahan niya ang mga tao na lumapit kay Cristo); at Pangalawa, [2.3.2] – I would take my loved ones into the miracle of that moment, by God’s grace (Dadalhin ko ang mga mahal ko sa buhay sa himala ng sandaling iyon); [3.] Magbabahagi ako ng mga talata sa Biblia na nagbibigay ng katiyakan ng aking kaligtasan mula sa parusa ng kasalanan (John 6:37; 1 John 5:11-13). Basahin natin mula sa Biblia:

_______________________________________________________________________________

No comments:

Post a Comment