Saturday, April 9, 2011

Where does My Wandering Soul Begin? (Saan Magsisimula ang Naglalagalag Kong Kaluluwa?)

"Saan Magsisimula ang Naglalagalag Kong Kaluluwa?"
by Shien Winters (Pen-name ni Ransel F. Villaruel)

[Note: Ang sumusunod na tula ay nilapatan ni Shien ng tono para awitin. Isinulat niya ito noong panahon ng kanyang pagbagsak sa espiritwal na laban. Nakaranas nga siya ng matinding panlalamig ng pananampalataya at nanghina sa pagtakbo sa buhay-Cristiano. Anupat plinano niyang kumuha ng immediate personal retreat sa isang tahimik at solitary na lugar. Hinahanap niya ang kalinga ng mahabaging Diyos at ang mahinahong pagtuturo para siya'y matuto at makabangon muli. Dinala siya ng Providence ng Panginoon sa Narciso Ramos Sports & Civic Centers, Poblacion, Lingayen, Pangasinan, at doon niya kinatha ang Tula na ito.]
_______________________________________________________

1.
Anong dapat kong isipin, sa gabing ito - ako'y nalilito...
Sukat ba namang saktan ako, ng kaibigang iniibig ko!
Bakit kaya nangyari 'to, bakit nasasaktan ako?
Di ko inakalang aabot ako sa kapighatiang ito!

2.
Kailan pa ako, babangon ng totoo at seryoso?
Sabi ng isipa't puso, magbago na't magpakatino!
Sinong dapat kong puntahan, para ako'y mapayuhan?
Kailangan ko ng grasya Mo, O Diyos, para malaman!

3.
Ibig kong manalangin, ngunit parang di ko kaya!
Sino o Ano, ang pumipigil para ako'y lumaya na?
Pakiramdam sa sarili, para akong nawawala --
Ibig kong lumuha at magsisi na sa'king mga sala...

4.
Saan magsisimula ang naglalagalag kong kaluluwa?
Paano ba mararanasan ang pagpapa-kumbaba?
Heto ang aking basag-basag na puso at espiritu --
Ipanalanging maigi na huwag na akong malilito...

5.
Lakas at pag-ibig ang siyang tunay kong hinahagilap...
Sinong magpupuno nito: sabihin mo't ipahahanap...
Nagdurugo ang puso ko, tadtad na ng mga sugat 'to!
Sunud-sunod ang pagpana: mabunot pa kaya ito??

6.
Mas marami ang hirap ko, kaysa mga kasiyahan.
Ibig kong lumisan sana kahit man lang ipagpilitan.
Pero saan naman ako tutungo 'pag nang-yari ito?
Hayaan nyong tumangis pa nang maibsan sakit na 'to!

7.
O Diyos, patawarin ako; mahabag ka sana sa'kin...
Tulungan Mo ang lingkod Mo: ako nawa'y ayusin!
Dahan-dahang alalayan sa pagtayo at pagsulong,
Pagsulong sa katuwiran--palagi kang tumutulong!

8.
Mag-aalay ang lingkod Mo ng pagsambang buong puso
Hesus na Siyang kanlungan ko, sa’yo ako’y magtatago:
Maamo ka’t maawain, namatay ka pa nga para sa’kin!
Kaylaking pag-ibig ‘to, O-oh Diyos: Ika’y aking pupurihin!

9.
Ngayo’y alam ko na ang daan patungo sa kagalakan.
Di na maglalagalag ang ka..-luluwa, ko sa kadiliman.
"Patpat nga akong hinugot Nya" mula sa apoy ng impiyerno!
Salamat po sa Espiritu Santo ng Panginoong Jesu-Cristo!

10.
Uu-wi na akong masaya, sapagkat kina-habagan Niya.
Sinong mag-aakusa kung Siya ang nagpawalang-sala!!
Halina’t magdiwang tayo, o-oh; dahil bumalik, na ang ali--bugha;
Ang pagtanggap ang umpisa ng pag-bangon, at pagtatama!

No comments:

Post a Comment